buti na lang kahit katapusan na ng pebrero di pa gaanong ramdam ang tag init. kaliwat kanan na ang JS Prom hudyat na palapit ng matapos ang klase. natutuwa akong makita ang mga bata habang halos ung iba di ma carry ang americanang suot. ung ibang bata naman halos di makalakad taas ng mga heels ng sapatos. halos magmantika ang mukha sa make-up pero sige pa rin. ang importante masaya sila. napaka dali ng buhay ng mga batang ito. parang naalala ko nung panahon na nasa edad nila ako. maisayaw ka lang ng crush mo katalo na.. solve ang buong gabi. at ilang araw mong alalahanin ang ganung scenario.. habang nagsasayaw ng sweet gusto mo medly ang tugtog para wala ng upuan..pero pagkatapos ng isang kanta tapos na...balik na ulit sa upuan..hoping na isasayaw ka nya ulit..
sana ganito lang ang buhay.. makapag search nga sa youtube ng opm songs para naman maibsan ang pag eemote.. mapatugtog nga mga song nung panahon na ang buhay ay sway sway lang.. ...hmmmm..hmmmmm..hmmmm.. iba talaga ang dating ng OPM kahit dama ang kilig..dama ang kirot..damang dama ang bawat katagang sinasabi sa song.. naliligaw..nanliligaw... kanta ni llyod umali at ima castro.. ganda naman..bigla kong naitanong sa sarili ko..bakit nga ba ang pag ibig mahiwaga.. totoong ang pagibig ay pwedeng magdulot sau ng kakaibang saya..nagdudulot ng katakot takot ng kirot sa puso..at lubhang ililigaw ka nya..pero ano pa man..nakaka dulot ito ng di maipaliwanag na ligaya kaya itong binabalik balikan..
mabuting ng maranasan ito..kaysa naman hindi kailan man ito madadama.. ganitong ganito ang aking pakiramdam noon. nalilito..nagtatanong , na umay sa buhay pati na sa buhay sa net.. pabalik balik..paulit ulit.. pero ano pang pedeng gawin..never to supreme sacrifice/harakiri noh..mahirap un masakit pa..wa pa poise ang fess pag nasa huling hantungan..no no no...
balik na nga ulit sa chat, tutal pede naman kahit ano dun..
pasok sa nakasanayang site.limang pm request kaagad ang ng appear sa aking monitor.. maliban sa beterano na sa chat.. add pa dun ang magandang handle..kahali halina ba...lolsss pamatay pangalan sabi nga.. usual sinasabi nila..who you.. asl.. ano ba un jejemon.. lolss layas nga pasok sa ibang room..aba sunod pa rin ang isang mokong...pede bang tantanan ako ng mga jejemonsssssss..plessssssss lang...lolsss
matiyaga itong isang ito.. kahit supladahan ko pa di natitinag..aba pede na walang mawawala pamatay inip din.. kakaiba ang pinakita nyang tyaga.. hindi cya katalinuhan tulad ng nakasanayang hanap na kausap pero bad boy ang style..robin padilla ang dating..feeling mariel rodriguez naman ako..hahahha
ang pag uusap na un ay nasundan pa ng sunod sunod na pagkwentuhan. pag OL ko nandun na cya kahit di pa cya natutulog. sobrang tindi ng pahihintay nya sa akin. ahhhh pede iba ang sinceridad ng isang ito.. hmmm hmmm pede na siguro ibigay ang number na matagal na nyang hinihingi sa akin. tignan natin kung di kurips... ..aba aba ilang minuto lang heto na ang call galing sa kanya... wheewwwwwwwwwwwwwww bakit ganito ang boses..parnag bata lang...ano ba un... totoy??? whahahahah na wow mali ang lola..bagets pala si mystery man..
bata ka pa pala..ang unang sabi ko..sabi nya hindi magkasing edad tayo..bata ba ang bosese ko?? hmm oo eh para kang totoy..or...baka naman matanda lang ang boses ko... naku totoy gumawa ka ng lang ng assignment mo at hindi ung nakikipag chat ka...sabay salamat sa oras..ingat lagi..paalammm..
hayyy kamalas naman as in.. toybits pala ang aking kinakausap ng ilang araw.. aba at hindi pa nakaka isang minuto may buzz ng buzz sa akin ym. si totoy.. sabay invite sa video cam nya..declined...declined baka may tsupon pa ang mkita ko..hahahahah..kulit pa rin..ring pa rin ng ring...pagbigyan na nga.. sino kaya ito........ cute na guy maliit pero di cya si totoy.. sabi nya bakit mo binaba.. sencya na natagalan ako kasi kinuha ko pa ung cam sa gamit ko ayaw mo kasing maniwalang matanda na ko eh..heto po ang drivers license ko at tignan mo ang edad ko.. ganito lang ako pumorma ayaw ko kasi nagpapatanda..
o cya cya... uu na sing edad mo na ako... at di ko namalayan ilang oras na pala kaming nag uusap..sarap nyang kausap halos di ko alam dumadaan ang oras..usapang for the first time di ko kailangan mag pa impress..usapang napaka smooth at usapang sarap dalhin.. usapan tunay na nagpapawala ng stress sa buhay..malamang ako'y maaliw sa taong ito...