Thursday, December 2, 2010
BIRTHDAY MO.TAGAYTAY TAYO!
Malapit na birthday mo. Gusto ko sanang maiba nating itong celebrate.. Dahil special ang araw na ito para sa akin at sa iyo. Bilog na edad mo..hahahha meaning nagkaka edad ka na talaga. Pero isa lang masasabi ko ikaw ang taong di kailanman ako iniwan.
Naala ko pa nung maliit ako madalas akong tuksuhin dahil maitim ako ( hanggang ngaun naman..hahhah), di naman mestisa lang si ate kaya kala nila maitim ako..toinks! Ikaw laging takbuhan ko para magsumbong sabi mo sa akin. hayaan mo sila basta ayawan ka man ng lahat ng tao..puntahan mo ako at kailanman di kita aayawan o iiwanan. Bawat birthday ko noon lagi akong may gift sau. alam kong pinag iipunan mo mga un para pang mabilhan ako. Pag nagkakasakit ako lagi kang nasa tabi ko. Gusto ko nga kung nakahiga ako nakahiga ka rin. ayaw kitang patayuin gusto ko kayap kayap mo ako. Halos kung ilang araw akong nasa higaan un din ang araw na katabi kita.
Sa bawat hakbang ko ikaw ang umaalalay sa akin ung walker kong ratan na nagtutumbalelong ako kamay mo ang laging umaakay sa akin. Yung patatas na nilaga na nilalagyan mo ng itlog un ang pinaka cerelac ko noon. pero pag ang kamay mo nagsubo sa akin talo pa ang Gerber sa sarap. Pag pinapainom mo ako ng antibiotic na super pait pero pag sinabi mong gagaling ako pag ininum ko yun. lasang strawberry nga sa panlasa ko. mga tabletas na di ko malunok lunok kamay mo rin nagdudurog nito para di ako mahirapang lumunok..
Sa pagpasok ko sa school ako lang ang natatanging marunong ng bumasa at sumulat. naalala ko kung mga mga gamit sa school mga kapatid ko ako rin mayrun. pagkatapos mong maglaba, magluto, at mag ayos ng mga kapatid ko, ilang minutong nap. bago ka maglako ng paninda binibigyan mo ako ng oras para turuan magsulat, at magbasa. Yung relo nating sira yung ang pinag tyatyagaan mong pinaikot ikot para matutuo akong tumingin ng oras. yung mga ting ting ng walis ang ginagamit mong props para matuto akong mag add at mag minus.
Sa gabi dahil wala tayong TV. isa isa mo kaming pinag tutula at pinakakanta sa loob ng kulambo. At sa pagtulog gustong gusto ko ung mga bible stories mo. kahit paulit ulit gustong gusto ko un marinig. kaya nga lagi mataas ang grade ko sa church kasi lahat halos ng kwento ng teacher ko kabisado ko na. Hanggang sa pagtulog ko ikaw nakabantay sa akin. pag gumigising ako sa gabi at takot na takot dahil may napanaginpan, sinasabi mong. bigkasin ng ulit ulit ang our father at di ko pa man natatapos un tulog na nga ako habang haplos haplos mo ang aking buhok.
Ikaw din ang nagdadala sa amin sa kapilya. tinuturuan magdasal kahit madalas akoy nakakatulog pag si tatay na ang leader sa prayer. ikaw ang nag nurture ng faith na naitanim sa amin. At sa panahon na nasa byahe si tatay ikaw ng lahat ngpupunan ng lahat. at nung nawala si tatay ang tatag ng loob mo ang nakapagpatibay sa amin.ikaw ang laging nandyan..never kang nawala sa aming mga buhay.
Hanngang ngayon ang pag ibig mo ay hindi nagbabago. kasama ka sa kasiyahan at kalungkutan ko. una kang nagagalak sa bawat narating ko. mas malakas ang pagtangis mo sa bawat kalungkutan ko. Nagugulat nga ako bigla kang susulpot pag ako ay may problema. di man ako nagsasabi sau pero lagi mong sinasabi nararamdaman ko sa puso ko may pinagdadaanan ka kaya nandito ako..at parang milagrong gagaan ang aking kalungkutan..
Di ko kailan man matutumbasan pagmamahal mo NANAY.. kahit buhay ko pa di ko mapapantayan ang pagmamahal na binibigay mo.. Kaya sa birthday mo di man kami kumpleto dahil nasa malayo ang mga kuya. tayo tayo nina ate celebrate tayo..dahil ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay namin..
I LOVE YOU INANG... sana magkaroon ka pa ng maraming maraming birthday. para patuloy kang maging inspiration di lang sa amin kundi sa mga taong touch mo ang buhay nila..
this is your fave song inang..kaya ito para sau...
Tuesday, November 23, 2010
TINALIKURAN MO BA AKO?
Nandito ako ng iisa sa aking opisina. Kinasa ang CD kung saan pinapatugtog ko mga songs natin. Aking inaalala gaano ako kasaya pag kinakantahan kita ng mga ito. Pilit kong ninanamnam sa aking puso at isipan mga sandaling kasama kita. Ngayon sobrang sakit aking nararamdaman, hapdi sa aking puso na di ko maipaliwanag. kinukurot ang puso ko at para bang walang katapusang pag agos ng aking luha. kung kakapain ang aking puso parang walang paglagyan ang dalamhati ng dahil sa isang panloloko na aking naranasan.Ito marahil ay bunga ng aking pagpapasya. Pinili ko cya higit sa iyo at sa aking pamilya. sya na mali para sa lahat ngunit iniisip kong tama para sa akin. Binali wala ko ang pag ibig mo, di ko binigyan ng pansin ang pagmamahal mo at pagmamahal ng pamilya ko.
Naalala ko pa na sa bawat saya sa buhay ko laging kang nandyan para samahan ako. sa bawat paghihirap ko nandyan ka para alalayan ako, sa bawat pagluha ko dama mong higit sa akin ito, sa bawat struggle ko nandyan ka at nandyan ka pa rin para pumalakpak sa achivements ko, naala ko nga pag nahihirapan ako sa mga assingments ko, sa pag aaral sa mga exams ko, isang tawag ko lang nandyan ka na para tulungan ako hanggang makapasa. Nandyan ka rin sa bawat problema sa pamilya ko. ikaw pa nga tiga solve ng problema namin eh. nung nagkasakit at hanggang namatay si tatay nandyan ka bawat saglit, kasama kang nagbabantay at tiga tulong sa akin at sa aking pamilya. hirap akong pagsabayin ang pagrereview noon at pagkakasakit ni tatay pero assure mo ako na makakapasa at yun na nga ang nangyari..higit kitang pinasalamatan dahil kahit isang saglit sa buhay ko di ka umalis at di mo ako iniwan..
Ngunit sadyang ako ang lumayo nung nakakarating na ako sa aking mga pangarap. nakapag trabaho nakakilala ng iba.. nawala ka na sa puso at isipan ko. Ni hindi na kita kinokonsulta sa mga desisyon ko. Wala na rin sa akin ung sabadong mag kakantahan tayo. wala na rin sa akin yung date natin kada linggo. Di ko na rin pansin ung minu minuto mong magpapa alala sa akin na nandyan ka sa buhay ko. Ni hindi ko na pinapansin ang presencya mo. Ni hindi ko na maalala na kausapin ka sa gabi o sa pag gising ko gaya ng nakagawian ko.. di ko na rin binabasa mga sulat mong walang sawang dumarating sa akin, mga papapaalala mga gabay na iyong pinapadala. wala na ring kwenta sa akin yung sulat mong ngsasabing walang hanggan ang pagmamahal mo.. HIndi na nga kita pinansin..hindi na nga kita gusto..
Ngunit nandyan ka pa rin, kada may kalungkutan ako at kasawian walang isip isip o pagtatampo ang aking nababanaag sau pag umiiyak ako at humihingi ng tulong. ang importante sau ang mabigyan ako ng comfort. at iyon naman nararamdaman ko pag nandito ka..pero pagkatapos nun bale wala ka na naman sa akin..
Hanggang nalimutan ko na nga na nandyan ka. Kahit na may nangyayaring kalungkutan sa akin buhay, mga kabiguan, lahat ng pangarap ko noon na sinasabi ko sa iyo, hindi ko na rin inaalintana kung hindi natutupad, wala na akong pakialam ano mga mga ito, kahit patuloy mong pinapa alala sa akin sa iyong mga sulat mga pangarap kong kaya kong marating at handa kang tumulong sa bawat oras.
Hindi na ako nagkaroon ng panahon sau. kahit isang minuto wala na. hanggang napadpad ako sa ibat ibang mundo, binaling ang pansin sa ibat ibang tao. hanggang pati sa mga bawal na pagkakataon ay akin ng tinanggap.Sabi ko sa sarili ko eh ano ngayon, tutal masaya naman ako..saka wala naman nangyayari sa buhay ko eh di hanapin ko kung saan ako masaya.. Kala ko masaya ako..kala ko ito na papalit sau..cya na..kahit pareho kami..pero higit na lungkot ang aking naranasan. walang kapayapaan ng puso at isip.
Marami ng nawala sa akin, pangarap ko, kasiyahan ko, at lalong lalo na ikaw.. Ang sakit na aking pilit kinukubli dahil alam kong unti unti ka ng dumidistancya sa akin, sabi nila pag hindi na kita kailangan at iba na ang minamahal ko at hinahayaan kong maglaman ng puso ko medyo didistancya ka na.. Ngunit sadyang matigas ang puso ko at sinasabi kong di mo naman ako matitiis dahil mahal mo ako..isang tawag ko lang nandyan ka na..
Naalala ko pa noon nung dumanas ako ng sobrang problema, ang pinapangarap ko sa matagal na panahon ay dumating pero sadyang mailap ito at nawala rin, dumating ka handang yumakap at tumulong sa akin at damayan sa aking pagdadalamhati. Pero ano aking ginawa instead na tanggapin tulong mo sinisi pa kita bakit di mo ako tinulungan..bakit hinayaan mong mawala pangarap ko. nakita ko ang lungkot sa iyong mata, sa kabila noon hinawakan mo ang kamay ko at pinunansan mo luha ko at sinabing magsimula ka ulit at alam kong makakamit mo lahat ng ito..dito ako tutulungan ka sa lahat ng lakad ng buhay mo..pero imbes na tanggapin ko ulit tulong mo..tinulak kita..tinulak kitang palayo at pumuta ulit sa kanya ang pagmamahal na dulot ng kasalanan.. alam kong wala akong mapapala sa kanya kasi patuloy mo akong sinasabihan ng bawal at wala akong mahihita kundi kalungkutan at guilt..pero pinilit ko pa rin ang sarili ko..kahit alam kong wala kahit ano akong nahihita sa kanya cya pa rin pinili ko at iniwan kitang nakaupo sa isang tabi at lumuluha..
Naala ko rin nung ikaw gumawa ng paraan para iwanan nya ako para lang bumalik ako sa iyo, pero kahit na ilang sakit ang dulot nya sa akin, imbes na lumapit ako at maniwala sa iyo, sa mga pambobola nya at kasinunggalingan ako naniniwala.. masarap bang balikan kasalanan at imoralidad sa tama ito lagi mong sinasabi sa akin.at sinabi mong maghihintay ka sa dating tagpuan sa linggo at hihintayin mo ako.pero tinawanan lang kita.
Pero wala na nga.. puro sablay na buhay ko. kahit anong twag ko sau pakiramdam ko nasa isang tabi ka na at naghihintay na lang na lumapit ako at magpakumbaba.. Alam ko dyan pa rin mga sulat mo. pero di ko na ramdam ang saya..di ko na rin ramdam ang alab ng iyong pagmamahal. totoo nga sa pagtalikod ko.. hinahayaan mo na muna ako..at ngayon heto ako ang pinagpalit ko sau wala akong napala kundi sakit..kundi hapdi sa puso.. Kung mailalarawan lang ang sakit ng aking nararamdaman di ko maipaliwanag ano ito..
Mamahalin mo pa kaya ako kung akoy lalapit uli sayo? patatawarin mo pa rin kaya ako sa pagtalikod ko sau? Mararamdaman ko pa rin kaya ang Una kong pag ibig pag akoy lalapit na sau..
Pilit kong dinadama ang pag ibig mo habang pinapatugtug ko mga kanta na gusto mo..pilit kong sinasariwa ang pagmamahal mo sa akin....pilit kong inaasam ang pagsasama nating muli..ang maramdaman muli ang pag ibig mo..Patawarin mo ako...
Isang gabi halos wala na akong tulog balisa sa guilt sa depression sa despair sa disppointments sa frustrations, tumawag ako sau kahit alam kong baka di mo na ako pansinin ulit..pero sa puso ko tumugon ka. paggising ko sa umaga may message ka at sinabi mong kung sumara man noon ang pinto ng puso mo para sa akin inopen mo naman madaming bintana para makadungaw pagmamahal mo. at sinabi mo rin sa akin na ikaw lang ang titignan ko at talikuran na ang kasalanan ko. Ikaw na rin ang aayos sa buhay ko ang gawin ko lang sumunod sau tulad ng dati at mahalin kang muli.. sinabi mo rin sa akin na lahat ng sakit na dinanas ko ay hudyat un para pumasok kang muli sa buhay ko.. sabi mo rin sa akin basahin kong muli mga sulat mo at makikita mo gaano mo ako kamahal...
PANGINOON KO..TUMALIKOD AKO SA IYO..SA MARAMING PANAHON NA NAGING TAPAT KA SA AKIN AT SA AKING LAHI PERO HETO AKO TINALIKURAN KA.. NARIRITO AKO BUMABALIK MULI SAYO. SALAMAT SA MGA SULAT MO..SA MGA SALITA MO NA NAGPAPAALALA SA AKIN NG PAGMAMAHAL MO.. SALAMAT SA PAIN NA NARARAMDAMAN KO NGAYON AT ALAM MONG KUNGDI DAHIL SA MGA ITO MANANATILI AKONG BIGO..AT MANANATILI AKO SA KASALAN..
Alam kong di madali panginooon dahil sa maraming taon na kinalimutan kita..pero alam kong ang pagibig mo at lakas ang magiging sandigan kong talikuran lahat ng kasalanan at kasamaan..it wouldnt be that easy oh God..but I know your love is with me at unti unti mo ng inaayos ang buhay ko..
SALAMAT SA PAGMAMAHAL MO PANGINOON SALAMAT SA MGA ITO AT NANDITO KA ULIT SA BUHAY KO..
PAGLALAKBAY NG ISIP PARA MAKARATING SA IYO.
pag gising ko ikaw una kong naalala kumusta ka na? may nararamdaman ka pa rin bang sakit? o naka recover ka na kaya? sa oras na di ko nakikita ang iyong pangalan na naka Ol pangamba ang aking nararamdaman Ok ka nga ba? o sadyang wala na...
kay sarap alalahanin mga sandaling ikaý nakilala. ikaw ay dumating sa hindi inaasahang panahon, sa aking pag kabalisa ikaw ay sumulpot parang meralco at globe o credit card bills pero kahit pa biglaan ang iyong pagsulpot tulad ng mga ito ikaw ay nakabibigay ng kaluwagan at kasiyahan sa puso....
gusto kong paulit ulit na alalahanin mga panahon na yun. habang wala ka pa akin munang gagawin ang paglalakbay ng diwa para sa iyong pagdating magiging sariwa sa aking alala ang panahon na kasama ka..
pero bago ako mag balik tanaw at maglakbay diwa akoy kakain muna ng almusal sabi nga ng kasabihan magbiro ka na sa lasing at bagong gising huwag lang sa gutom...( ganito nga ba yun? ahihihi)) kasi baka di maka usad ang diwa ko kung walang laman ang tyan ko..kaya kahit na mahalaga ka sa akin pero pasencya na uunahin ko muna ang nagrereklamo kong anaconda sa tyan...
hanggang mamayang akoy nakakain na...paalam muna sa diwa ko maya ka na maglakbay...
kay sarap alalahanin mga sandaling ikaý nakilala. ikaw ay dumating sa hindi inaasahang panahon, sa aking pag kabalisa ikaw ay sumulpot parang meralco at globe o credit card bills pero kahit pa biglaan ang iyong pagsulpot tulad ng mga ito ikaw ay nakabibigay ng kaluwagan at kasiyahan sa puso....
gusto kong paulit ulit na alalahanin mga panahon na yun. habang wala ka pa akin munang gagawin ang paglalakbay ng diwa para sa iyong pagdating magiging sariwa sa aking alala ang panahon na kasama ka..
pero bago ako mag balik tanaw at maglakbay diwa akoy kakain muna ng almusal sabi nga ng kasabihan magbiro ka na sa lasing at bagong gising huwag lang sa gutom...( ganito nga ba yun? ahihihi)) kasi baka di maka usad ang diwa ko kung walang laman ang tyan ko..kaya kahit na mahalaga ka sa akin pero pasencya na uunahin ko muna ang nagrereklamo kong anaconda sa tyan...
hanggang mamayang akoy nakakain na...paalam muna sa diwa ko maya ka na maglakbay...
SUBOK LANG KUNG PAPASOK...LOLSS
GUSTO KONG MAKASAMA KA..KAHIT ANO MANG SANDALI NG BUHAY KO..IKAW AT IKAW LANG.. NGUNIT NASAAN KA NA?? DI KO ALAM PAANO PA AT PAANO NA..HIHINTAYIN PA RIN KITA.. MAGHIHINTAY AKO...
SUBOK LANG ITO..KUNG PAPASOK UNG POST KO...LOLSS
Subscribe to:
Posts (Atom)